-- Advertisements --
Nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Sinimulan ng Unioil nitong Setyembre 13 araw ng Linggo ang P1.00 bawas sa kada litro ng gasolina at P1.50 sa kada litro ng diesel.
Habang simula mamayang 8:01 ngayong Setyembre 14 ay inanunsiyo ng Cleanfule ang bawas na P1.00 sa kada litro ng gasolina at P1.50 naman sa kada litro ng diesel.
Wala namang paggalaw sa presyo ng mga kerosene.