-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang mga bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Mayroong P0.85 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang ang gasolina ay mayroong P0.75 sa kada litro ang bawas.

Magkakaroon din ng P0.80 na bawas sa kada litro ng kerosene.

Itinuturong dahilan ng Department of Energy ang bumabang demand ng krudo sa Gitnang Silangan.