-- Advertisements --

Matapos ang limang linggong magkakasunod na taas presyo ng mga produktong petrolyo ay asahan naman ang bawas presyo sa huling araw ng 2024.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng P0.65 na bawas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.53 na bawas sa kada litro ng diesel at ang diesel ay mayroong P0.87 na bawas sa kada litro ng kerosene.

Itinuturing dahilan ng bawas presyo ay ang mataas na suplay ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.