-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng sinimulan ang P0.60 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P0.40 na bawas sa kada litro ng kerosene at P0.10 na bawas sa kada litro ng diesel.
Ang nasabing bawas presyo ay siyang nagtatapos sa limang linggong magkasunod na taas presyo ng langis.
Itinuturing dahilan ng Department of Energy na ang maraming suplay ng langis sa US at ang mababang demand nito.