-- Advertisements --
Asahan ang bawas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maglalaro mula P1.00 hanggang P1.30 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P1.00 hanggang P1.30 sa kada litro at ang kerosene ay mayroong P1.20 hanggang P1.35 kada litro.
Ilan sa mga nakikitang dahilan ng bawas presyo ay ang mabagal na oil demand ng China sa US at pabangong oil production sa Libya.
Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.