-- Advertisements --

Magpapatupad ng tapyas sa presyo ng kanilang produkto ang mga kompaniya ng langis sa bansa.

Simula sa Oktubre 22, ay mayroong bawas na P0.30- P0.40 sa kada litro ng gasolina.

Hanggang P0.15 naman sa kada litro ang ibabawas sa diesel habang mula P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ang ibabawas sa kerosene.

Itinuturong sanhi ng bawas-presyo ay ang pagbaba ng demand at ang paglaki ng imbentaryo ng langis.