-- Advertisements --
Magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng bawas presyo kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.15 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P1.90 na bawas sa kada litro at ang kerosene naman ay mayroong P1.85 na bawas sa kada litro.
Sinabi ni Energy Assistant Director Rodela Romero na ang dahilan ng bawas presyo ng mga produktong langis ay ang huminang demand ng fuel sa buong mundo at ang lumalakas na peso kontra sa US dollar.