-- Advertisements --
Makakaranas ang mga motorista ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Marso.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maglalaro mula P0.90 hanggang P1.20 ang bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang bawas din ng mula P0.90 hanggang P1.20 rin sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay tinatayang magkakaroon ng bawas presyo ng mula P1.30 hanggang P1.50 sa kada litro.
Sinabi ni DOE na ang sanhi ng bawas presyo ay dahil sa pagtaas ng suplay at ang pagbaba rin ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo at kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.