-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.90 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P0.80 sa kada litro ng diesel ang bawas presyo habang ang kerosene ay mayroong P1.40 sa kada litro ang bawas presyo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang dahilan ng nasabing bawas presyo ay naniniwala ang international Energy Agency na mayroong oversupply ng langis sa mundo ngayong 2025.
Hindi naman tiyak din ng ahensiya kung magtutuloy-tuloy ang bawas presyo dahil sa maraming mga dahilan nito gaya ng tensiyon sa Middle East.