Tinukoy ngayon ng economic think tank na IBON Foundation Inc. na bawat isang Pinoy ay may utang na P106,000 ito ay dahil naman sa paglobo pa ng pagkakautang ng gobynero a umaabot na sa record-high na P11.642 trillion.
ayon kay IBON Foundation executive director Jose Enrique “Sonny” Africa kung ang naturang halaga na P11.642-trillion at paghahati hatiin sa bawat 109 million population, nangangahulugan daw na ang kada Filipino ay meron ng pagkakautang ng mahigit sa 106,000.
Sa pagtaya pa ng IBON foundation lumalabas daw na sa bawat pamilya ay aabutin ng halos kalahating milyong piso ang pagkakautang.
Aminado naman si Africa na hindi naman masama ang pangungutang ng gobyerno upang isalba ang ekonomiya basta ang balik nito ay may revenues para sa huli ay mabayaran din ang mga obligasyon.
Una nang inilabas ng national government ang running debt recrod as of end-August 2021 na mas mataas pa sa P32.05 billion mula sa dating P11.61-trillion level noong buwan ng Hulyo.
Sinasabing ang paglobo ng pagkakautang ng Pilipinas ay upang pondohan ang ipinapatupad nitong mga COVID response.