-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Aasahan ang mga aftershocks matapos ang pagyanig sa 6.1 magnitude na lindol sa Bayabas, Surigao Del Sur.
Base sa data galing sa Phivolcs, pasado alas 6:24 ngayong gabi lang nang naganap ang lindol sa 49 kilometro sa silangang bahagi sa nasabing bayan.
Mayroon itong lalim na 45 kilometro at tectonic ang origin.
Kaugnay nito, nararamdaman ang pagyanig sa Rosario, Agusan Del Sur na aabot sa Intensity III, Intensity II naman sa Surigao City, Surigao Del Norte habang Intensity I sa Bislig, Surigao Del Sur at Abuyog at Hilongos sa Leyte.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang epekto sa nasabing pagyanig ngunit base sa inisyal na data sa Phivolc, walang aasahan pinsala nito.