VIGAN CITY – Hihilingin ng mga kamag-anak ng biktima ng Maguindanao massacre sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 na doblehin ang bayad-danyos o civil damages na maibibigay sa kanila.
Base sa desisyon ng korte na ipinalabas noong December 19, 2019, makakatanggap ng P350,000 hanggang P23.5-milyon ang mga kamag-anak ng mga biktima ng nasabing massacre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni dating presidential spokesman Atty. Harry Roque na abogado ng 18 mula sa 58 na kamag-anak ng mga biktima na ang nasabing halaga ay dapat na madoble dahil mas mahalaga umano ang buhay at ang bayad-danyos ay hindi naman kaagad na makukuha habang naghahain pa ng apela ang mga akusado.
Samantala, sinasang-ayunan ni Roque na mailipat sa New Bilibid Prison infirmary si Zaldy Ampatuan kung mapapatunayan ng mga doctor na hindi nito kayang manatili sa kulungan para sa mga criminal na kagaya nito.
Maliban pa rito, sang-ayon din umano ang nasabing abogado na mailipat sa infirmary si Zaldy, huwag lamang mailabas ito sa Bilibid at dalhin sa isang pribadong ospital.