-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nagpatupad na rin ng temporary ban sa meat prodcuts ang bayan ng Bayambang, Pangasinan sa gitna ng patuloy na binabantayang kaso ng African Swine fever sa bansa.

Batay sa executive order ni Mayor Cesar Quiambao, inaatasan nito ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay para hindi makalabas-pasok ng bayan ang ano mang alagang baboy at frozen mat products.

Kamakailan kasi nang mag-positibo ang nasa 30 baboy ng bayan mula sa ASF.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Bayambang municipal adminstrator Atty. Raymundo Bautista na inaalam na rin nila kung alin pang mga bayan sa Pangasinan ang tinamaan ng naturang sakit sa baboy.

Sa ngayon kasi pinatututukan din nila ang mga hotel at iba pang establisyemento na posibleng lumabag sa kautusan.

Una ng sinabi ni Bautista na nasa 300 baboy ang nakatakdangpatayin sa Brgy. Apalen bilang tugon sa nag-positibong kaso ng ASF sa kanilang lugar.