Iniulat ng OCTA research na nakapagtala ng mataas na COVID-19 infections ang bayan at mga lungsod ng Bataan kabilang ang Mariveles, Lapu-Lapu at Cebu City sa nakalipas na linggo.
Base sa latest data ng OCTA tumaas ng 57 ang bilang ng infection sa Mariveles Bataan mula July 10 hanggang July 16 na mayroong very high infection rate na 1.85 at 40.66 very high incidence rate.
Iniulat din ng Octa ang pagtaas sa COVID cases ang Lapu-Lapu City na mayroong 49 na kaso ngayong linggo at tumaas ng 98 cases sa Cebu City.
Nakitaan din ng independent group ng mataas na ICU utilization rates ang Iloilo City, Davao City, Cagayan de Oro at Tagum.
Subalit ang Mariveles LGU, umalma sa ulat ng OCTA at nilinaw na mali ang iniulat nitong 218 na kaso ng lokal na pamahalan noong July 11 at 197 lamang ang kanilang kaso mula July 5 hanggang July 11.