Nakatakdang kuwestiyunin sa Korte Suprema ng grupong Bayan Muna ang ginawang pag-sertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa 2025 budget bill.
Sinabi ni Bayan Muna chairpeson Neri Colmenares, na ang nasabing executive power ng pangulo ay inilalaan tuwing may kalamidad at anumang emergency.
Dagdag pa nito na mayroon na silang parehas na kasong naihain sa SC at maghahain pa sila uli dahil inaprubahan ng House of Representative ang budget sa pamamagitan ng certification ni Marcos.
Naniniwala sila na ang pagsertipika ng budget bilang urgent ay para maiwasan na ito ay kuwesiyunin o may tinatago.
Duda sila na mayroong mga insertion o isiningit sa mga budget kaya minadali ito ng ipasa.
Isa rin sa kinukuwestiyon nila ay mabilis na ito naipasa sa Kamara subalit sila ay agad na nakarecess at hindi pa naipasa sa Senado.
Sa buwan pa ng Nobyembre nila nito maipapasa pagkatapos nilang magbreak.