-- Advertisements --

Binatikos ng mga lider ng militanteng grupo ng mga aktibisa ang anila’y pag-atake sa mga makakaliwang grupo kasunod nang pagkakapaslang sa ikatlong aktibista kamakailan sa Bicol region.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ang pagkakapaslang kay Neptali Morada nitong araw (Hunyo 17) ay pinakamalinaw na pangitain na pursigidong pursigido na ang aniya’y mga asong ulol na ubusin ang lahat ng mga aktibista at progresibong grupo.

Iginiit ni Zarate na dapat nang ihinto ang kahibangan na ito.

Kaya nanawagan ang kongresista kasama si Bayan Muna chair Neri Colmenares sa lahat ng anila’y “freedom loving people” na manindigan at kondenahin ang pag-atake sa mga aktibista at human rightd defenders.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga nang binaril si Morada, ang regional coordinator ng Bayan Muna sa Bicol, nang nagmamaneho siya ng kanyang motorsiklo mula San Isidro, Naga City papunta sana sa kanyang trabaho sa provincial capitol.