Nangako si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares na maghahain ito ng motion for reconsideration para hamunin ang desisyon ng Korte Suprema na bigyan ng “highest ever power rate hike” o pagtaas ng singil sa kuryente sa bansa.
Ayon kay Colmenares ang pagpayag sa Meralco na itaas ang singil sa kuryente ay isa pang dagok sa mga mamimiling Pilipino.
Sinabi ni Colmenares, mukhang kinukutya raw ng Meralco at ng Korte Suprema ang deklarasyon ng bagong administrasyon na gusto nito ng mas mababang rates.
Nauna nang sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tinitingnan niya ang pag-amyenda sa Arroyo-era Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) para mapababa ang halaga ng kuryente.
Naisabatas noong 2001, ang EPIRA, isang landmark na pro-market reform, ay naglalayon na tiyakin ang maaasahan at mapagkumpitensiyang presyo ng kuryente sa bansa.
Kabilang sa mga kapansin-pansing tampok nito ay ang paghahati ng industriya ng electric power sa apat na sub-sector — generation, transmission, distribution, at supply upang matiyak ang level-playing field sa mga manlalaro sa sektor ng enerhiya.