NAGA CITY- Personal na nagbisita sa Bombo Radyo Naga si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat matapos itong mamigay ng donasyon sa ilang mga bayan sa probinsya ng Camarines Sur na labis na naapektohan ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo sa Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bayan Muna Rep. Cullamat sinabi nito na namahagi sila ng relief goods sa mga mamamayan sa bayan ng Pasacao, Sipocot at Concepcion Pequeño Naga City.
Ayon kay Cullamat masaya umano ito dahil kahit sa maliit na bagay ay nakatulong ito katuwang rin ang Bayan muna at ilang mga NGO’s.
Kaugnay nito nanawagan naman ito sa National Government na tulungan umano ang mga mamamayan na kasalukuyang nag hihirap parin hanggang sa ngayon dahil sa pananalasa ng mga bagyo at sa pandemia na Covid-19.
Ayon dito kahit pa mayroon ng Bayanihan to Rebuild As One Act ay marami parin umano ang nangangailangan kung kaya panahon na umano upang ibalik sa mga mamamayan ang pera ng bayan.
Sa ngayon plano rin nito na ipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba pang mga lugar at bayan na nangangailangan.