BUTUAN CITY – Tuluyan nang naging barangay ang Guinhalinan sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur matapos ang matagumpay na plebisito nitong Sabado, Agusto a-10 na syang nag-ratify sa pagbuo nito sa pamamagitan ng Republic Act 11986 na una nang na-aprubahan noong Marso a-21 ngayong taon.
Sa press statement na inilabas ni Commission on Elections o COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, parehong nanalo ang YES votes sa dalawang mga designated voting centers sa naturang lugar kungsaan mula sa 2,574 mga registered voters, 1,434 ang muboto ng YES habang 14 naman ang NO.
Inihayag naman ni Surigao del Sur provincial election supervisor Atty.Ernie Palanan na dahil dito’y ang mayor na ngnasabing bayan ang mag-a-appoint ng mga interim officials mula sa punong barangay, pitong mga Sangguniang Barangay members, Sangguniang Kabataan chairman at mga members na magseserbisyo hangang ang kanilang magiging mga successors ay tuluyan nang mapili.