-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang bayan ng Daraga para sa inaabangang Cagsawa Festival na magsisimula sa Pebrero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lorenzo Bañas ang secretary ng Public Safety Office ng Daraga, bagaman wala pang inilalabas na calendar of acitivities, may mga paghahanda ng ginagawa ang lokal na gobyerno para sa festival.

Kasama na dito ang deployment ng mga tauhan sa Daraga covered court at Cagsawa Ruins sa Barangay Busay kung saan taunang isinasagawa ang mga aktibidad ng festival.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Public Safety Office sa Tourism office at sa Philippine National Police para sa pagbibigay seguridad sa aktibidad.

Ngayon pa lamang, iniimbitahan na ng opisyal ang publiko na makisabay at makisaya sa mga aktibidad na isasagawa sa festival.

Umaasa naman ang opisyal na magiging matagumpay ang pagsasagawa ng festival ngayong taon.