DAGUPAN CITY – Kinumpirma ni Aldrin Nono, municipal Disaster Risk Reduction Management officer sa bayan ng Dasol, Pangasinan na nakaranas ng flashflood na sinabayan ng hightide ang kanilang bayan sa kasagsagan ng pag-ulan kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, napag-alaman mula kay Nono na bandang umaga ang kasagsagan aniya ng mabilis na pagtaas ng tubig baha.
Lubhang naapektuhan ng baha ang mga Brgy. Amalbalan, Alilao at Viga.
Wala namang nasaktan sa nasabing pagbaha.
Samantala, na nakabalik na sa kanilang bahay ang ilang evacuees.
Ayon kay Nono, dalawang pamilya na lang ang nananatili sa evacuation center.
Bandang ala-3:00 kahapon ng hapon ay umuwi na rin ang iba sa mga evacuees.
Nanawagan ang opisyal sa kaniyang kababayan na maging mapagmatyag at huwag ng antayin na lumalim ang tubig-baha bago lumikas.