-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Tumaas pa ang lebel ng tubig baha sa bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao.
Umaabot na sa critical level ang baha sa Tunggol Bridge sa bayan ng Datu Montawal at may ilang barangay na lubog sa baha dulot ng malakas na buhos ng ulan.
Nanawagan ngayon si Datu Montawal MDRRMO officer Bal Kadiding sa mga residente sa gilid ng Pulangi River na maging alerto at lumikas na kung patuloy ang paglalim ng lebel ng baha sa kanilang lugar.
Naghahanda na rin ang LGU-Datu Montawal sa pamumuno ni Mayor Datu Otho Montawal sa ipamamahaging tulong sa mga residente na sinalanta ng baha.
Samantala, may mga bayan na rin sa probinsya ng Cotabato at ibang lugar sa Maguindanao ang binaha dahil sa pag-apaw ng Pulangi river.