-- Advertisements --

Isang manifesto ang pinirmahan ng pamahalaang lokal ng Indanan sa Sulu na nagdi deklarang “Persona Non Grata” ang teroristang Abu Sayyaf.


Pirmado ni Indanan Mayor Hermot Jikiri ang nasabing covenant.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt Col Ronaldo Mateo alas-2:00 kaninang hapon isinagawa ang seremonya para sa pormal na padedeklara sa teroristang Abu Sayyaf sa bayan ng Indanan.

Dumalo sa nasabing seremonya ang ilang Local Chief Executive sa Sulu, mga opisyal ng Western Mindanao Command, JTF Sulu, Peace inclined group ng Moro National Liberation Front at iba pang mga stakeholders.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ng Hulyo una nang ideneklarang persona non grata ng bayan ng Patikul Sulu ang Abu Sayyaf Group.

Dahil dito naniniwala ng JTF Sulu na darating ang araw matatamo rin ang matagal nang hinahangad na pang matagalang kapayapaan sa buong Sulu.