-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa muling pagkakaroon ng panibagong kaso ng kumpirmadong covid-19 sa bayan Kabacan Cotabato, siniguro ng lokal na pamahalaan at IATF na nagsagawa na ng contact tracing at nagpapatuloy ito.

Isinailalim na sa isolation ang mga nakumpirmang nakasalamuha ng bagong nagpositibo sa Covid 19.

Ang pasyente ay may medical history at sumasailalim na rin sa medication.

Muling pinaalalahanan ni Kabacan Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang publiko na sumunod sa ipinapairal na alituntunin tulad ng pagsuot at paggamit ng tama sa face mask at face shield at kung walang importanteng lakad ay manatili na lamang sa loob ng tahanan.

Siniguro naman ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. na kontrolado parin ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang sitwasyon at hinimok din nito ang mga ka-unlad na sumunod sa mga ipinapairal na health protocols.

Samantala sa bayan ng Libungan Cotabato ay muling inatasan ni Mayor Christopher “Amping”Cuan ang Municipal Health Office na tutukan ang contrac tracing ng 42 anyos na lalaki na may travel history sa Davao City at nagpositibo sa nakakahawang sakit.