-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Muling nakapagtala ng panibagong kaso ng covid-19 ang bayan ng Kabacan Cotabato. Ito na ang pang anim na kaso sa Kabacan.

Batay sa ulat ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, nasa Davao Region ang pasyente ng magkaroon ito ng sintomas at nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Sa ngayon ay nasa ospital ang 72 anyos na babaeng pasyente.

Patuloy parin ang paalala ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa publiko na maging tapat sa kanilang mga impormasyon at higit sundin ang basic health protocol.

Sa bayan naman ng Midsayap ay nagpositibo sa Covid 19 ang 50 anyos na babae na may travel history sa Davao City.

Ang dalawa ay nasa maayos na kondisyon at asymptomatic kung saan nagsagawa na rin ng contact tracing ang mga health workers sa kanilang mga nakasamuha.

Sa ngayon ay umakyat na sa 135 ang nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya sa Cotabato,52 ang active cases at 80 recoveries.