-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Kahit binayo rin ng lindol ang bayan ng Kabacan Cotabato ay namigay rin sila ng tulong sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Tulunan,Mlang,Makilala at Kidapawan City.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr na kailangan anyang magtulungan ang lahat sa trahedyang sinapit ng probinsya.

“Bangon Cotabato sa lahat ng pagsubok,magdasal dahil ito lang ang pinaka-makapangyarihang armas laban sa anumang sakuna”,ani Mayor Guzman Jr.

Maliban sa bayan ng Kabacan ay namahagi rin ng tulong sa mga bakwit nang lindol ang mga Yong Proffessionals ng bayan ng Matalam sa pangunguna ni Municipal Councilor Raf Rian Rafael.

Susunod na rin ang tulong sa mga bayan ng Midsayap,Pigcawayan,Aleosan,Libungan at ibang bayan sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.

Hindi lang LGUs ang namamahagi ng tulong pati mga NGOs,Religious Group,International Organizations at mga mamamayan ng probinsya na nakaka-angat sa buhay.

Sobra-sobra ang tulong sa mga bakwit ng lindol ngunit may ilang grupo ang namomolitika para siraan ang ilang lider na namumuno sa probinsya.