-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nilinaw ni Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr na walang lockdown sa bayan ngunit pinaigting ang kampanya laban sa COVID-19.

Paulit-ulit ang hiling ni Mayor Guzman sa mamamayan ang kooperasyon ng bawat isa na sundin ang mga precautionary measures na pinaiiral ngayon sa bayan ng Kabacan.

Ang mga sumusunod po ay ilan sa pinaka importanteng sundin laban sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19;

  1. Bawal po ang Pag Angkas sa Motor.
  • pinagbabawal po ito upang Limitahan ang bawat Ka Unlad sa pag labas sa kanya kanyang bahay at pagpapatupad ng Social Distancing.
  1. Bawal po ang mga Batang may edad 17 – pababa na lumabas ng bahay.
  • Kung sila po ay masaktuhang nasa labas po ng bahay ay dadamputin sila.
  1. Sundin ang CURFEW na alas 8:00 ng gabi hanggang hanggang alas 5:00 ng umaga

-Huhulihin ng mga otoridad ang lahat na maaktuhan nasa Labas ng Kanilang bakuran pagsapit ng curfew.

“Ang kooperasyon ng Bawat ka Unlad ay napakahaalaga para ating Magapi ang bantang hatid ng COVID – 19.”

Mismong si Mayor Guzman ang naglilibot araw at gabi para matiyak ang kaligtasan ng taong bayan.

Sa ngayon ay nanatili pa rin na COVID free ang bayan ng Kabacan at buong probinsya ng Cotabato.