Naging emosyunal si Kapatagan. Lanao del Sur Mayor Raida Maglangit sa usapin ng Social Amelioration Program (SAP) o Emergency Subsidy Program (ESP) ng gobyerno.
Sinabi ni Mayor Raida Maglangit na hindi nabigyan ng SAP Beneficiaries ang bayan ng Kapatagan.
Maliban lamang sa mga 4Ps beneficiaries na nabigyan ng tulong ng DSWD-BARMM.
Nagtaka ang alkalde dahil sa bayan ng Kapatagan ay zero SAP beneficiaries kahit napakaraming mahihirap na pamilya.
Ang alam daw ni Mayor Maglagngit ay magkaiba ang SAP beneficiaries at 4Ps.
Ang Social Amelioration Program ay isang pangangalagang panlipunang programa at hakbang ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan (inter-agency measure) upang makatulong na mapagaan ang epekto sa lipunan at kabuhaayan ng krisis-pangkalusugan na COVID-19 at mga panuntunang ipinatutupad nang dineklarang Public Health Emergency sa bansa.
Nanawagan ngayon si Mayor Maglangit kay Pangulong Rodrigo Duterte na sana dinggin ang kanilang hinaing kung bakit zero SAP Beneficiaries ang bayan ng Kapatagan sa Lanao Del Sur.