-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Labing tatlong taon ng zero case sa measles at polio ang bayan ng M’lang.

Kinumpirma ito ni M’lang Municipal Health Officer Dr. Glecerio “Jun” Sotea.

Ayon kay Dr. Sotea, ang tagumpay na ito ay dahil sa suporta ng LGU sa mga health programs na sinimulang iimplementa nitong taong 2007.

Maliban sa pondo mula sa Department of Health, may pondo ding inilaan ang lokal na pamahalaan para ipambili ng mga bakuna kontra measles at polio.

Malaking tulong din ayon pa kay Sotea ang pakikiisa ng mga barangay officials na naglaan din ng bahagi ng kanilang taunang pondo para sa bananggit na programa.

Sa kasalukuyan, taget ng RHU-M’lang na mabigyan ng bakuna kontra polio ang may 8,000 mga batang edad mula zero hanggang 59 na buwang gulang.

Sa katunayan, handa na ang mga health workers para sa ikalawang rounds ng “patak kontra polio” na sisimulan sa January 20 at tatagal hanggang sa February 2.