Inihayag ni P/Col. Frederick Obar, Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office na kinukunsidera ang bayan ng San Nicolas bilang isa sa mga areas of concern para sa darating na 2025 Midterm Elections.
Aniya, may mga hakbang na pangseguridad para sa mga naghahain ng Certificate of Candidacy para sa darating na halalan upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente.
Sabi nito na pinag-aaralan nila ang mga security measures sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections para sa mapayapang paghahain ng mga nominasyon.
Dagdag pa niya, tinitingnan din nila ang mga paraan sa paghahanda sa halalan nitong mga nakaraang taon upang ganap na mabigyan ng seguridad ang mga kinauukulang kandidato.
Una rito, pinaslang si Barangay Chairman Francisco Bagay Jr. ng Barangay 5 sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek.
Sa ngayon, nag-alok si Mayor Mike Hernando ng 300 libong piso sa kung sino man ang makapagtuturo sa mga salarin sa nangyaring insidente.