-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Sto. Domingo sa Albay dahil sa nararanasang krisis sa suplay ng tubig sa gitna ng matinding init ng panahon.

Ayon kay Sto. Domingo Vice Mayor Mark Aguas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maraming mga barangay sa naturang bayan ang walang sapat na suplay ng tubig kaya patuloy ang paghahanap nila ng water sources.

Dahil dito ay napagpasyahan ang pagsasailalim sa state of calamity ng naturang bayan upang makahingi ng tulong sa provincial government ay national government.

Inamin ng bise alkalde na kinakailangan ngayon ng pondo upang makakuha ng mapagkukunan ng maiinom na tubig.

Dagdag pa ni Aguas na malaking suliranin ang kinakaharap sa kabuhayan ng mga residente dahil sa panunuyo ng mga water sources.

Samantala, umaasa ang bise alkalde na mapapakinggan ng mga concerned agencies ang kanilang panawagan upang mabigyang solusyon ang kakulangan sa mapagkukunan ng malinis na tubig ng mga residente.