KORONADAL CITY – Isasailalim na sa state of calamity ang bayan ng Tulunan, North Cotabo dahil sa pinsala sa agrikultura at kabahayan na iniwan ng bagyong Auring.
Ito ang kinumpurma ni Abraham Contayoso, secretary to the mayor ng bayan nga Tulunan, North Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Contayoso, apat na barangay sa nasabing bayan ang lubos na apektado kabilang na ang halos 30 mga pamilya.
Naitala din ang mahigit 20 mga kabahayan na sinira ng malakas na hangin kung saan dalawa sa mga ito ang totally damaged.
Dagdag pa nga opisyal, aabot na sa 65 na ektarya ng pananim na saging ang apektado ng kalamidad o aabot sa P7 million habang, mahgit 3,000 ektarya naman ng palay ang pinadapa ng bagyo na aabot sa P184 million ang pinsala.
Sa mga pananim na mais naman ay aabot sa P300,000 mula sa 13 na ektarya na nasira.
Sa kabuuan nasa 39 percent ng agrikultura sa nasabing bayan ang nasira ng dumaang bagyo na may dalang malakas na hangin at pasok sa criteria na pwedeng isailalim sa state of calamity ang lugar.
Sa ngayon, patuloy pa ang asssessment ng nasabing bayan sa dumaang sama ng panahon habang nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ng local government unit (LGU)-Tulunan sa mga apektadong mga pamilya at mga magsasaka.