LAOAG CITY – Iniimbestiga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Regional Office ang bayan ni DENR Sec. Roy Cimatu sa Bangui, Ilocos Norte dahil sa umano’y pagsasagawa ng illegal quarrying ng mismong gobyerno lokal ng Bangui, Iloscos Norte.
Una nang ikinustudiya ng Community Environment and Natural Resources Office-Bangui ang tatlong dumptruck at isang backhoe dahil sa sumbong ni Sangguniang Bayan Member Joey Soriano at di nagtagal ay ini-release sa hindi maliwanag na dahilan.
Ngunit iginiit ni Sangguniang Bayan Member Joey Soriano sa Bombo Radyo na walang ano mang permit na iprenesenta ng local government unit (LGU) Bangui sa nasabing operation.
Ayon kay Soriano, base sa DENR regional office ay dapat may permit ang mga nagkuquarry at imonitor ang volume ang mga kinukuhang lupa kahit may gratuitous permit ng gobyerno.
Sa unang paliwanag ng opisyal ay ginagamit ang mga quarry para sa dinedevelop na sanitary landfill ngunit napagalaman ni Soriano na ginagamit ito sa proyekto ng Department of Agriculture (DA) na ipinapatupad ng Department of Public Works and Highway (DPWH).