-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Dalawa ngayon ang nakaupong mayor sa bayan ng Malay, Aklan kung saan naroroon ang isla ng Boracay sa pagsismula ng term of office para sa mga nanalong kandidato noong nakaraang eleksyon.

Ito ay matapos manumpa si Vice Mayor Frolibar Bautista bilang OIC Mayor sa harapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Malay Officer Mark Delos Reyes.

Kasunod ito sa pagtanggap ni Bautista sa advisory ni Interior Sec. Eduardo Año at Regional Director Ariel Iglesia na siya ang hahalili kay dismissed re-elected Mayor Ceciron Cawaling.

Samantala, iginiit pa rin ni Cawaling na hindi siya bababa sa pwesto na nag-assumed kahapon ngunit si Bautista ang pipirma ng mga dokumento bilang mayor habang si No. 1 councilor Niño Cawaling na anak ni Ceciron ang magiging Acting Vice Mayor.

Una rito, nagbabala ang DILG na kasong Usurpation of Authority ang haharapin ni Cawaling habang Derelection of Duty naman ang kay Bautista sakaling balewalain ng dalawa ang naturang utos.

Nabatid na hindi kinikilala ng DILG ang pagkapanalo ni Cawaling dahil may perpetual disqualification order sa kanya ang Ombudsman.