-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ideneklara na ang state of calamity sa bayan ng Carles, Iloilo dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Ursula.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Siegfredo Betita, sinabi nito na nasira ang palayan, taniman ng mais at mga bangkang ginagamit sa pangkabuhayan ng mga residente.
Ayon kay Betita, lubos na apektado ang Barangay Lantangan kung saan karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.
Problema ang komunikasyon sa bayan ng Carles dahil mahina ang signal sa lugar.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang road clearing operation at restoration sa linya ng kuryente.
Napag-alaman na sa Iloilo, umaabot na sa 13 ang patay dahil sa pananalasa ng bagyo.