TACLOBAN CITY – Nadagdagan pa na ng aabot sa anim na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Eastern Visayas.
Ayon kay Dr. Minerva Molon, director ng Department of Health (DOH)-8, nagmula ang lahat ng panibagong mga COVID-19 cases sa bayan ng Tarangnan, Samar.
Dahil dito ay kinokonsidera ng DOH-8 ang pagkakaroon ng local transmission sa naturang bayan.
Ang naturang mga pasyente ay kinilalang sina Patient EV-8, lalaki, 28; Patient EV-9 babae, 45; Patient EV-10 babae, 29; Patient EV-11 babae, 72; Patient EV-12 lalaki, 27; at Patient EV-13 lalaki, 30.
Kaugnay nito ay kaagad namang isinailalim ni Tarangnan Mayor Arnel Tan sa total lockdown ang naturang bayan.
Sa ngayon ay nasa 13 na ang kumpirmadong nagpositibo sa deadly virus sa Eastern Visayas na kung saan 10 rito ay mula sa Tarangnan.