-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit P100 milyon na ang halaga ng naitatalang danyos sa agrikultura sa Alabel, Sarangani bunsod ng nararanasang El Niño.

Ito ang iniulat ni Councilor Joel Aton, sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, dahilan kaya nagdeklara na ang nasabing bayan ng state of calamity.

Sinasabing lumawak pa ang mga apektadong sakahan sa kanilang bayan, lalo na sa mga pananim na palay, mais at saging.

Nabatid na isa ang Alabel sa mga bayan sa Sarangani na lubhang naapektuhan ng nararanasang El Niño phenomenon.

Kasalukuyan umanong nagpapatuloy ang ginagawang evaluation at assessment ng lokal na pamahalaan ng probinsya upang matukoy ang kabuuang pinsala na dala ng dry spell.

Nagsagawa na rin ng hakbang ang lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga apektadong magsasaka at residente