KORONADAL CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Surallah, South Cotabato dahil pa rin sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Municipal Disaster Risk Reduction Officer Leonardo Ballon, inihayag nito na umabot na sa P156-milyon ang pinasala sa pananim na mais habang sa umabot naman sa P5-milyon sa panananim na palay.
Inihayag din nito na umabot na sa 14 na mga barangay ang apetado ang mga pananim na mais na kinabibilangan ng Barangay Upper Sepaka; Moloy; Duwengas; Talahik; Colongulo; Buenavista; Tubi Ala; Veterans; Lamian; Naci; Lambuntong; Lamsugod; Little Baguio; at Canahay.
Samantala, nasa 11 barangay naman ang apektado ang pananim na palay.
Sa ngayon, isasailim sa food for work program ang mga magsakasakang apektado ng dry spell.