KORONADAL CITY – Walang naitalang insidente ng pagbaha o kaya casualty sa pananalasa ng dati ay tropical depression na naging LPA sa bahagi ng Sultan Kudarat.
Ito ang kinumpirma ni Sultan Kudarat Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Henry Albano sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Albano, kahit nakaranas ng pagbuhos ng ulan ang ilang lugar sa probinsya at nagdeklara ng pagsuspinde ng klase, walang naitalang kaso ng pagbaha lalo na sa mga low-lying areas.
Tiniyak rin nito ang kahandaan kung may maitala mang insidente ng pagbaha o landslide.
Samantala nagpapasalamat din ito sa ulan na dala ni “Chedeng” dahil nakatulong ito sa mga magsasaka na matagal nang naghihirap bunsod sa dry spell, maliban na lamang sa bayan ng Lebak.