-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Cagwait, Surigao del Sur, bandang alas-3:14 ngayong Linggo ng hapon.

Namataan ang epicenter nito sa layong 14 kilometro mula sa timog-silangan ng nasabing bayan.

“Tectonic” ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 26 kilometro mula sa epicenter nito.

Naramdaman ang Intensity III sa Bislig City at Surigao City, gayundin sa Gingoog City, Misamis Oriental; Abuyog, at Leyte; habang ang Intensity I ay naramdaman sa Lungsod ng Cagayan de Oro.

Batay sa Philippine Institute Of Volcanology Seismology, walang inaasahang pinsala at tsunami sa kasalukuyan ngunit paghandaan ang mga posibleng mga aftershock ng lindol.