Nagbayad ng $600,000 na ransom sa pamamagitan ng Bitcoin ang isang bayan sa Amerika matapos na maparalisa ang kaniyang computer system.
Ang nasabing pagbabayad ay inaprubahan ng city council sa Riviera Beach na matatagpuan sa Miami, Florida.
Ang lugar ay mayroong kabuuang populasyon na 32,500.
Ang pag-shutdown ng computer system ay nagsimula noong Mayo 20.
Naaapektuhan ang mga computer system ng gobyerno at police department maging ang 911 emergency service ay napasok ng computer hackers.
Dahil sa pangyayari ay bumalik sa mano-mano ang payroll system at maging ang pag-iisyu ng mga tickets sa mga traffic violators.
Ayon sa mga eksperto na isang uri ng ransomware ang ipinapasok ng mga hackers kung saan kailangan magbayad ng pera ang mga may-ari ng computer system para maibalik ang anumang mahalagang dokumento.