-- Advertisements --

Idinaan sa live jam session sa Facebook ng singer na si Bayang Barrios at bandang Ang Naliyagan para makatulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

https://www.facebook.com/622382123/videos/10156570024067124/?id=622382123

Isinagawa ito nitong Lunes ng hapon kung saan sinabi ng singer na ito ang maliit na paraan para makatulong sila sa mga nasalanta ng lindol.

Inanunsiyo nito na may isa pang gagawing fund raising event sa 70’s Bistro sa Quezon City sa darating na Nobyembre 12.

Makakasama sa nasabing event ay sina Joey Ayala, Gary Granada, Cookie Chua, Kakai Bautista, Pepe Herrera at Noel Cabangon.