Gumawa ng kasaysayan ang Bayanihan, ang national dance company ng Pilipinas, matapos nitong maiuwi ang grand prize sa Cheonan World Dance Festival na ginanap sa South Korea. Ipinakita ng mga Pinoy dancers ang kultura ng bansa sa pamamagitan ng musika at pagsayaw.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa senior performing artist ng Bayanihan na si Petra Elepaño, sinabi nito na ito ang unang pagkakataon na muli silang lumahok sa international competition mula ng magsimula ang pandemya. Aniya, masaya ang mga ito dahil nagbunga ang hirap at sakripisyo nila para maiuwi ang karangalan sa bansa.
“Medyo matagal bago nagsink-in sa amin iyong event sa Korea [Cheonan World dance Festival], pero sobrang sarap ng feeling. One of the best after pandemic. Kasi literally, para kaming bumangon mula sa time ng pandemic”.
Ito na ang pang-labing apat na grand prize na nakuha ng grupo sa iba’t-ibang international competitions na kanilang nilahukan.
Nagmula ang pangalan ng grupo mula sa ancient Filipino tradition na “Bayanihan”, na ibig sabihin ay “pagtutulungan tungo sa kabutihan ng lahat”.