Nakatakdang pauwiin sa bansa ang stranded na mga Pilipino sa Europe dahil sa banta ng Omicron variant sa pamamagitan ng special commercial flights.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Sarah Lou Arriola, nasa 140 ang stranded Filipinos sa Europe matapos na ilagay sa red list ang nasa pitong mga bansa kabilang ang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy dahil sa bagong variant ng covid19.
Ayon kay Arriola, nakatakdang umuwi ang mga Pinoy mula The Netherlands sa Disyembre 10 at 13.
Ilan sa mga na-stranded na mga Pilipino ay mga estudyante, mangagawa at turista.
Para sa nakatakdang special flight sa Disyembre 10, ang mga nais na makapag-avail ay kailangan magbayad ng 2,400 euros dahil ito ay isang chartered flight ng isang manning agency para sa mga Filipino seaferers habang sa Disyembre 13 naman ang humanitarian flight kung saan tutulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pagbayad ng ticket ng mga na-stranded na mga Pilipino.
Sasailalim naman sa testing at mandatoryong 14-day quarantine ang mga repatriated Filipinos pagdating sa bansa.
Samantala, mayroong 49 na mga Pilipino namana ng nananatiling stranded sa Africa.
Kaugnay nito, hinihimok ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa malapit na embahada para maasistihan sila sa kanilang repatriation flights.