-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Buhay na buhay ang diwa ng “bayanihan” sa mga apektadong Pilipino sa Australia sa gitna ng patuloy na banta ng Coronavirus disease (COVID-19).

Sa panayam ng Star FM Davao Criselda Fernandez Lasaca, tubong Calinan, Davao City na nagtatrabaho bilang nurse sa Melbourne, Australia, sinabi nitong tanging mga citizens ng Australia at mga foreign nationals na permanent residents ang binibigyan ng ayuda ng kanilang pamahalaan.

Ang mga apektadong Australian workers ay makakatanggap ng 1,000 hanggang 1,5000 Australian dollars kada dalawang linggo sa loob ng anim na buwan subalit ang mga foreign nationals, kabilang ang mga Pilipino na may hawak lamang na working, student at visitor’s visa ay hindi kabilang sa mga sinusuportahan.

Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga Pilipinong Australian citizens at may may permanent residence upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

Ang Australia ay kasalukuyang nasa ilalim ng Aler Level 3 lockdown.