(3rd Update): Ikinalulungkot ng Malacanang ang pagkasunog ng Philippine General Hospital (PGH) sa Lungsod ng Maynila bago mag-ala-1:00 ng madaling araw kanina lamang.
Kasabay nito ay nanawagan ng tulong si Presidential spokesman Harry Roque para sa mga naapektuhan ng sunog.
“We are saddened by the fire that hit a portion of the Philippine General Hospital (PGH) early morning today. Hospital operations continue even as repairs are ongoing,” mensahe ni Roque.
“Big or small, cash or in kind, these acts of kindness and generosity would be of great help and assistance to those who are in need. Kindly send them to the official fundraising groups of the state-run hospital. Bayanihan para sa PGH,” he added.
Sa mga oras na ito ay patuloy na inaalam ang sanhi ng pagkasunog sa bahagi ng nasabing ospital, ang pinakamalaking referral hospital para sa mga pasyente ng coronavirus sa bansa.
Matapos ngang maideklarang under control ang sunog pasado alas-2:00 ng madaling araw, nagsisilbing temporary shelter partikular ng mga pedia patients at newborn babies ang chapel ng PGH.
Kasabay nito ang pag-apela ni Father Marlito Ocon ng PGH chapel na sila ay ipagdasal kahit mayroon nang nasisilungan.
Sa panig naman ni Dr. Jay Germar ng UP (University of the Philippines) College of Medicine na malapit lamang sa PGH, ligtas at kompleto namang nailikas ang lahat ng pasyente.
Sa ngayon ay kailangan ng PGH ang mga industrial fans upang mataboy ang usok na bumalot sa mga ward bunsod nga ng sunog na umabot pa sa ikatlong alarma.
Bagama’t walang naitalang casualties, nag-iwan ang sunog ng pinsalang aabot sa P300,000 ayon sa Bureau of Fire Protection.
Nabatid na pangalawang sunog sa ospital ang naitala sa PGH, kung saan nitong Miyerkules ay nasunog din ang Pasig City General Hospital.