ROXAS CITY – Ramdam ang ‘’Bayanihan Spirit’’ sa bansang Japan ng mga OFWs dahil sa tulong na ipinaabot ng ilang grupo ng Filipino community sa mga Pinoy na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus diseasepandemic.
Sa report ni Bombo international correspondent Benjie Salve, tubong Bacolod City at nagtatrabaho sa Japan na ilang grupo ng mga Pinoy na may ginintuang puso ang nagbigay ng tulong sa mga apektadong mga Filipino workers na nawalan ng trabaho at kasalukuyang nasa bahay na lamang.
Ayon kay Salve na maswerte ang ibang mga Pinoy dahil sa kabila na tumigil na ang operasyon ng kanilang kumpaniya ay binigyan pa sila ng financial assistance.
Nabatid na sarado hanggang sa ngayon ang lahat ng paaralan sa Japan at mahigpit na ipinatutupad ang stay at home policy lalo na sa mga mag-aaral.
Bukas rin ang ilang mga establisemento at mga stores sa Hiroshima prefecture.
Ngunit gumagamit sila ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay para maproteksyunan ang sarili laban sa coronavirus disease 2019.
Kinumpirma rin ni Salve na may tatlong Pinoy na sa Tokyo, Japan ang nagpositibo sa COVId-19.