-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mas minabuti ng LGU Alabel Sarangani na huwag munang pagbayarin sa stall rental, tubig at kuryente ang lahat ng tenant sa public market mula sa buwan ng Septembre hanggang Desyembre 2020.

Itoy matapos pinatupad ang Local Imposition Bayanihan relief and Exemption o LIBRE Ordinance of 2020 sa nasabing bayan.

Ayon kay Alabel Mayor Vic Paul Salarda na libre na ang lahat ng bayarin habang magbigay pa ng subsidiya ang LGu para sa inter fund transfer sa operisyon ng Level 3 water systen sa public market.

Pinasalamatan din ng Mayor ang inisyatibu ng Sanggunian Bayan sa ginawang oridinansa na makatulong sa mga residente lugar na apektado ng pandemic.

Ang bayan ng Alabel ang isa sa mahihirap na bayan ng Sarangani Province.