Ilang oras bago ang coronation night ng 2019 Binibining Pilipinas, abala pa rin ang 40 official candidates sa last minute rehearsals.
Kanya-kanya ring mensahe partikular ang mga top picks gaya ng Bar passer mula Bataan na si Patricia Magtanong, gayundin ang half British mula Negros na si Vickie Marie Rushton.
Ayon kay Rushton, ang laban nito mamayang gabi ay para rin sa down syndrome community na kanyang napiling organisasyon na tutulungan.
“This fight for the crown is no longer just about me,” saad ng girlfriend ng aktor na si Jason Abalos.
Para naman kay Atty. Patch, gagawin nito ang makakaya tulad ng kanyang ginawa noong mga panahong nagre-review pa lamang siya hanggang sa nakamit ang tagumpay sa 2018 Bar exam.
“Exactly one year ago, I was just a graduating law student, daunted and anxious about starting my bar review. Now, in a completely different environment, I’ve been given such a huge platform with so many people believing in me, and I couldn’t be more grateful! 💛 I have my shortcomings, I’m still in the process of learning and improving myself, but I’m trying my hardest and I know I still have so much to offer, given the chance!”
Samantala, mistulang nag-sink in na kay Catriona Magnayon Gray ang mga nalalabing oras bago ipasa ang Binibining Pilipinas-Universe crown.
Katunayan ay binigyan nito ng ilang “tips” ang bagong batch ng mga “binibini” partikular sa pagsabak sa question and answer portion.
“Talk about what you know,” bahagi ng payo ng pang-apat na Pinay Miss Universe.
Una na itong nagbalik-tanaw sa kanyang naging training sa Binibining Pilipinas kung saan nakatanggap din daw siya ng mga panlalait.
“It’s time for another empowered Filipina’s life to change,” pagtatapos ng kanyang IG story.