-- Advertisements --

Napabilang pa rin sa “top picks” ng karamihang pageant experts ang ilan sa 34 official Binibining Pilipinas candidates na agaw-eksena sa ginanap na swimwear preliminary competition.

Isa rito ang Davao beauty na si Justine Felizarta na bukod tanging nagsuot ng one piece swimsuit, dahil bagong opera pala sa kanyang bukol at kailangang takpan ang tahi.

“Nagpapasalamat ako sa lahat nang mga prayers ninyo because of that nalampasan ko talaga ang biggest challenge so far sa pageant journey ko!” wika ni Felizarta.

Nariyan din si Carina Cariño ng La Union na aminadong nasa “learning process” pa siya na tila patungkol sa pagdanas niya ng tinatawag na wardrobe malfunction.

“There’s so much more to improve and I’m just hungry to learn and refine my skills ❤️” saad ni Carino.

Paliwanag ng designer, posibleng hindi lamang naayos ni Carina ang foam ng swimsuit nito kaya bahagyang sumilip sa gitna ng pagrampa.

Sa darating na July 11 gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2021 na matatandaang ilang beses nang ipinagpaliban dahil sa coronavirus pandemic.